Lahat ng bagay may lugar. Ang isda, para languyin ang katubigan. Ang ibon ay para liparin ang kalangitan. At ang tao para manirahan sa kalupaan. Subalit may mga pagkakataon, nkakalimot ang ilan. Tulad na lang ng isang subersibong puso at utak na uto-uto.
Tulad ng lahat ng bagay, ang puso at utak ay may kanya-kanyang lugar. Meron din silang kanya-kanyang layuning dapat gampanan. Ito ang kwento ng isang puso at isang utak na nakalimot.
Ikaw utak, wag mong kalilimutan, kaya ka nilagay sa ulo, mas mataas sa dibdib kung nasaan si puso, ay upang ikaw ang masunod. Ikaw ang mag-iisip ng kung anong tama at kung anong mali. Ikaw ang magdedesisyon ng kung ano ang gagawin at kung alin ang dapat iwasan. Ikaw ang nakakaalam kung nasasaktan na ba ang iyong nasasakupan, o kaya pang lumaban. Huwag na huwag mo iyang kalilimutan.

